Anong mararamdaman mo kung isang araw magigising ka na lang at malalaman mong dinissolve na ang inyong departamento at ang mga kasama mo ay isa-isang pinadala sa iba’t-ibang grupo tapos ikaw inilagay ka sa isang posisyong ni sa hinagap ay di mo akalaing paglalagyan mo?
Ganyan ang nangyari sa ‘min Lunes ng linggong ito. Absent ako nun kase may sakit ako. Pinatawag yung mga tao namin. Nga pala, FYI, nasa Training Department kami nabibilang. Naunang kinausap yung head namin na tinuring na naming tatay dahil sobrang bait nya- professional yet very approachable at galante. Nagtaka yung mga kasama ko kung bakit. Tapos sila na yung kinausap nung singkit na manager at yun nga ibinalita na bubuwagin na ang Training at ibabalik ang mga trainers sa Operations department na kinabilangan nila nuon. Pilit nilang inalam kung ano talaga ang rason. Kesyo redundancy na raw dahil sa kanya-kanyang teams, tinuturuan na rin naman ang mga agents ng kanilang mga leaders while on the floor. Tang ina…eh yung mga team leaders na yun karamihan sa kanila mga pulpol at ang nag-train sa kanila nuon ay hindi kami kundi mga Pinoy na managers na nagmamagaling at kahit na ang tawag ng isang manager sa “mirror”ay “meror” at ang “pillow” ay “pelow”. Iginiit pa nya dati sa amin na mali kami ng sinabi naming “increase in the SALES” at sinabi nya na dapat raw ay “increase in the SELLS”.Putangna talaga.
Anyway, wala ngang nasabing valid reason ang de putang singkit na manager. At ang foul pa duon, pinagdesisyon sila right there and then kung willing silang bumalik sa operations or they have to go. Shet. Pinagawa sila ng isang desisyon na babago sa career nila sa luob lamang ng limang minuto.In other words ginipit sila. Isipin nyo you live and breathe Training tapos in a matter of minutes bigla nilang hihigupin yung buhay mo sa ‘yo? Di ba mega bad trip yun?
Umiiyak sila at humahagulgol na nagdesisyon na magpalipat na lang kase nga nagipit. Magpapasko pa naman. Lateral transfer raw yun.Punyeta. Paanong magiging “lateral transfer”kung lumalabas na parang “demotion” ang nangyari since mas mataas talaga kung tutuusin ang trainers sa agents? Kasingkitid ng mga mata ng mga putang managers na yan ang kanilang mga utak. Dagdag mo pa yung mga lecheng Pinoy managers na walang mga bayag para mag-isip at kumontra sa desisyong ito. Hindi ba nila naisip na mas angat ang katalinuhan namin sa kanila at puwede namin silang kasuhan sa kagaguhan nila?
No comments:
Post a Comment