Thursday, January 01, 2009

CHUGI 2

As for me, pagpasok ko ng Tuesday ay binulaga rin ako ng de putang singkit na manager. Hindi ako nagpabulaga. Puta ka, manager ka nga pero di mo ko kayang paikutin sabi ko sa sarili ko. Gagawin raw nila akong MANAGEMENT SECRETARY. Whaddafuck?!? Eto ang conversation namin:

DPSM (go figure): Pearl I’m sure you already know all about this…
ME: (Poker face) Uh-huh
DPSM: We decided to place you in the Management as Secretary.
ME: Are you serious? You tell me first why you dissolved the Training Department without prior notice. You know, without informing us beforehand.
DPSM: It was the management’s decision. It’s called redundancy. We felt that we could just actuallly tap the team leaders to do the training instead.
ME: What happens to my people then?
DPSM: They’ll go back to Operations and start calling again (sic).
ME: This is really bad, Ms._________. This is unfair. These people worked so hard and they were able to produce quality agents. I’m sure you’re aware of that.
DPSM: Yes, yes of course.
ME: Then why the sudden decision? You didn’t give them ample time to absorb and think about it!
DPSM: Im sorry about that. But it’s really Boss’ (CEO) decision.
ME: I’m not sure if I could take your offer. I’m sorry but I wouldn’t sign that document (movement form).
DPSM: But you already had enough time yesterday to think it over because you were also informed by your colleagues about it right?
ME: Yes but I also have the right to weigh things first right?
DPSM: Okay then we’ll give you time to decide and let’s talk again before the end of the day.
ME: I’ll have to talk to the HR Manager first.
DPSM: Sure.

So hayun.Hindi ko pinirmahan yung Notice of Personnel Action (NPA) na tinatawag. Nakasaad duon na ililipat ako ng posisyon from SENIOR TRAINER to MANAGEMENT SECRETARY.
Kita nyo naman ang difference di ba? Klarong-klaro na demotion yun. Pucha, hindi ako nag-aral ng apat na taon sa kolehiyo at naghirap sa Master’s degree ko para utus-utusan ako ng mga lecheng managers ng kumpanya. I’ve nothing against secretaries, pero alam ko naman ang kalibre ko at hindi ko minsan plinanong magsekretarya. Ipilit ba!

Next kong kinausap ang bobang HR manager namin na kinamumuhian din ng kanyang mga sariling subordinates dahil daig pa ang Malabanan sa sipsipan. Kinumbinse nya rin akong pirmahan ang form.

BHRM (go figure again): Pearl ano na desisyon mo? Ganito kase yun. Nakita kase namin yung credentials mo at alam naming chicken feed lang sa yo yung job. Kesa wala di ba? Mahihirapan ka maghanap ng work kase Pasko…hindi nagtatanggapan…
ME: Yun nga problema eh. Ginipit nyo kami! Yung mga tao ko walang choice kase mga wala pang experience yan sa labas. Kaya takot magresign. Ma’am unfair labor practice ito! Kung ganito pala ang mangyayari sana may one month notice man lang kayo. You can look it up in the Labor Code if you want.
BHRM: (Silent for a few minutes) Redundancy ang tawag sa ganitong move Pearl (Pucha kayo kaya ang redundant!) Saka di naman sila madidisplace eh.
ME: So yung kaso ko paano? Are you still going to give me the same rate?
BHRM: Of course naman (Talagang of course dahil for sure naisip nyo na na mayayari kayo sa DOLE pag nagkataon. Hmmm…nag-iisip kahit paano…)
ME: Ok ganito na lang.
At this point nag-isip ako nang matindi. Ayokong madisplace ng alanganin. Pag nagresign ako hindi ko pa make claim kaagad ang 13th month pay ko which is on the 20th. (December 15th at that time) Next month pa yun maibibigay sa ‘ken.

ME: Gagawin ko yung inoffer nyong job sa ken pero I’ll file my resignation effective December 20th. For the mean time I won’t sign that form. (Shempre ayokong matali ng ano mang contract. Neknek nila.)
BHRM: Sige, sige. I understand.
ME: Okay. Thank you.

Akala siguro nila mga tanga kame. Naipit lang kami sa sitwasyon. Feeling ko pati timing plinano. Magte-13th month pay na. Hindi agad-agad yan aalis, sabi siguro nila. Pero eventually we’ll get rid of them. Hayup sila. I’m sure karmang bonggang-bongga ang mangyayari sa mga responsableng demonyo na ‘yan. Malinaw na malinaw sa amin ang totoong dahilan. Nalulugi na ang kumpanya at nagbabawas na sila ng mga tao.Dahil hindi kami napakikinabangan directly in terms of production, ‘lam nyo na, PERA, we were the first to go. Pero di kami papayag na aalis kaming walang dignidad. Lalaban kami kung kinakailangan.

2 comments:

atticus said...

easy lang, easy. iyan ang hirap pag hindi honest ang mga bosing. mas madali naman ang mga bagay-bagay kung sinasabi ang totoong estado ng kompanya sa mga empleyado.

Anonymous said...

Atticus --> They all suck, Ms. A. Na-realize ko naman di sila dapat panghinayangan.