Wednesday, August 09, 2006

SAMO'T SARING KUWENTO (Mga Kuwentong May Kwenta)

Kuwento # 1: Ang Pagbabalik

Nagdemo at nagpa-interview na ko sa isang eskwelahan sa Marikina kahapon. Ayoko na nga sanang bumalik pa sa pagiging isang chichur (hehehe..ok ok..teacher)dahil parang na-burn-out na ko. Labintatlong taon ka ba namang maghandle ng mga bata eh..Pero saludo ako sa mga gurong hindi pinagsawaan ang kanilang propesyon. Wow. Talking about commitment and dedication. Sila yun. Pero feeling ko sa iskul na to mag-aaral ang mga anak ko. Alam kong tinawag ako ng Lord para makapag-serve dito. I think i finally found my niche.

Kuwento # 2: My Korean On-line Students

Sa pag-alis ko naman sa aming kumpanya, heto mga mami-miss ko, among others:

Lia--- siya ay isang bright and sunny university student majoring in English Literature na artsy-fartsy na nag-iintern ngayon sa isang newspaper company as a writer. She's so malambing and thoughtful kaya luv ko sha.

William --- CEO siya ng isang HR firm (which he owns). Talk about BIG TIME. We often talk about the current goings-on in Korea, in the Philippines, and in some other parts of the world. Pag tinatawagan ko siya, it's either nasa spa siya or nasa mountainside at nagja-jogging (malapit kase ang VILLA nila sa mountains! Ang shala noh?!?) Basically, gusto lang niyang may kausap in English kaya hayun kinarir ko naman.

Lance ---- Another BIG-TIME. Manager siya sa isang IT Company. Hetong lolong ito, minsan mag-aanswer ng call ko nasa golf course siya. When it's his turn to get that shot, he'd say.."Oh, Pearl, hold on..it's my turn now". Pag-intayin ba ko.

Kevin --- PALIKERO. Ang conversations namin minsan ay umiikot sa mga babae, na minsan pa nga ay gusto pa yata akong isama sa harem niya (korean harem!?) laging tinatanong kung kumusta na application ko sa Korea. Hehehe. Sorry Kevin. Taken na ko. At wala na kong balak pumunta diyan.

Harry --- He's in middle school. From our conversations, mukhang mashadong na-shelter ng nanay. Mukhang may makings ng pagiging teenage baklita dahil madiriin at bukambibig ang "it might damage my skin". Mukhang yayaman si Calayan at Bello sa kanya pag napunta siya rito sa Pinas.

So, sila yung mga di ko malilimutang online students turned friends na rin. At ako naman ang mami-miss nilang grammar teacher, newscaster, counselor, editor (ng mga paper works nila) at shempre, confidante.

Kuwento # 3: USAPANG PANGHINAHARAP

Nung isang araw seryoso usapan namin ni J, my past-present-future man. Nag-consult kase ako about my career move (see Kuwento # 1) at nasabi nga niya na dapat mag-stay na talaga ko sa school na to because (o enumeration talaga to ha, as stated by PPF man.) 1.)Magse-save na kame together. 2.) Magsesettle down na kame, so dapat stable na ang jobs namin. 3.) Pag nagka-baby kame at lumaki na siya/sila, shempre dapat libre na sa skul, kase regular na si mommy. (Paging sis FREA! libre nga ba? hehehe..)Pero nakakatuwa talaga yung conversation namin. Na-touch ako. Forever na nga ito.

KUWENTO # 4 : MY FORMER STUDENTS TURNED CELEBRITIES


Malamang kilala nyo na siya. Si Nikki Gil. That girl na namimigay ng Coke sa isang commercial. Naging student ko siya nung Grade 1 siya sa isang Montessori school (which I wouldn't disclose, sorry). Ni sa hinagap ay di ko akalaing magiging artista yan kase NAPAKAmahiyain niyan. Sayang nga di ko na makita yung isang class pic nila. Halos nakatungo na si li'l Nikki dun sa pic na yun!

O eto, kilala nyo? Di naman siya gaanong visible, especially sa mga primetimes, pero siya yung host ng isang late night show sa Channel 7 before, now sa Channel QTV 11 na. Siya si Catherine Bordalba. I think Grade 4 naman siya nun nung na-handle ko class nila. She's also one of the girls in that COKE BEAT commercial. Ang hindi ko makalimutan sa kanya eh yung kanyang smiling eyes (obvious ba?). She's also intelligent, very active in extra-curricular activities, at may kapatid na cutie rin. Lalake siya. Yung mom niya mega-support sa kanila kaya talagang lumaki silang maayos at matiwasay.


And finally, si Yong-an.(yung naka-glasses) Nasa Going Bulilit siya ngayon at nangungulit. Again, suprised rin ako sa kanya kase di gaanong kalikutan yan when he was in pre-school and in Grade 1. But he's really brainy! Saka mabait mom nyan, lagi kaming tini-treat ng spaghetti or palabok. Hehehe. hi Misis Chiu. Miss na kita at ang yong generosity.

So, hayan sila. My celebrity students. Bongga dabah?? Eh ang teacher kaya kelan magiging star? You wish.

7 comments:

lheeanne said...

Malaking achievement na actually sayo ang makita silang nagtagumpay at magtatagumpay pa... at mukhang ur on ur way narin, kung hindi man bilang celebrity, pwedeng the best teacher or the best wife to ur hubby and the best mother to ur soon to be.... gudluck!

LIPAD PARUPARO LIPAD! said...

tutubi ---> wow usapan ng tutubi't paruparo itoh! hahaha! salamat sa comment! sana nga. uy, pa link naman ako sa blog mo :-)

Anonymous said...

awwww....how sweet! happy ako for your perlas! remember our chat nung ininvite kita sa CCA? my, bilis ng sagot ni Lord no! AMAZING!! welcome to the family =D

Sayote said...

Hello salamat sa pagbisita sa aking blog. Ikaw po ay aking na-link na :) Keep on blogging :)

LIPAD PARUPARO LIPAD! said...

sis mei ---> yeah! grabe! minsan nao-overwhelm nga ako eh..yun parang naghahyperventilate sa sobrang lula ng nangyari sa akin over the past few weeks! hehehe...exag bah..

sayote ---> salamat, kamahalan! na-link na rin kita!

Anonymous said...

Congrats on your new job, Pearl. Good to know that everything's going well for you careerwise, and also in your personal life. :-)

LIPAD PARUPARO LIPAD! said...

diday ----> uyy tichoy! tenkies for d comment. yeah, who knows, yung mga students mo ngayon, they'd be future stars and personalities in their own right. You can never predict but it's possible! ^^

singlguy ---> thanks po! i'm finally back where i really belong :-) everything seems to be falling into places.