Kwento # 1: NAKAKAINIS TO THE 10th POWER!!!
Malamang naranasan ninyo na tong mga nakakairitang insidente sa FX:
1. May nakasakay ako nung Monday. 500 ang pera niyang pinilit na ibinayad sa driver (Huwaw! Mucho dinero ang lolo mo!). Eh 25 pesos lang naman ang pamasahe niya. Natural nainis ang driver kaya tinanong niya kung may barya ba si manong pasahero. Heto ang panalong sagot niya. "Eh di ipapalit mo sa gas station". Nagkatinginan kaming mga kapasahero niya na tila nagsasabing, "WOW MEN! ANG KAPAL MO!" Utusan ba ang driver! Oh by the way, nangyari ito ng mga ALAS-KUWATRO ng umaga at ako'y nagmamadali nuon sa pagpasok! GRRR!!!
2. Nung Wednesday naman, pag-uwi ko, may katabi akong napakaingay ng bibig at nakatodo ang volume ng boses! Di ko alam kung nakatira ng shabu o sadyang pinakain ng nanay niya ng *poot-poot* ng baboy. (Di ba yun yung sabi ng matatanda na ipakain para raw dumaldal ang anak mo?? hehehe...) As in mula sa pagsakay namin sa terminal hanggang sa pagbaba ay umaarangkada ang bibig! Alam nyo naman pag uwian na eh yung iba'y gustong sumimple sa pagtulog pero di namin nagawa sa ingay niya! Eto ang panalo. LALAKE SIYA. Matipuno, japorms, guwapo! At ang kuwento nya, nagagalit raw sa kanya si misis kase NAGGER niya! Yung kasama niya panay sabi ng "Pare, ang daldal mo!" Pigil na pigil talaga tawa namin pero ramdam naming mga co-passengers ang tensyon sa loob ng FX. We wanna laugh out butts off!
3. Hindi naman ako involved dito. May isang pasahero sa harap ko (sa middle seat sila at ako ay nasa likod). Siguro sa sobrang pagod at antok ay nakatulog si GURLASH at unti-unting napahilig sa balikat ni LOLA na nasa kanan niya. Eh mukhang suplada si Lola Madonna (groovy kase ng suot eh), kaya biglang inalis niya yung ulo ni GURLASH sa balikat nito sabay sabi ng, "ANO BA YAN NENG!?!" Kawawa naman si GURLASH, nagising tuloy.
Kuwento # 2: SQUEEZING MY CREATIVE JUICES
I believe biniyayaan ako ni Lord ng creativity sa katawan kaya dapat lang na magamit ito sa natatamang paraan. Siyempre kapag isa kang guro, dapat marami kang alam na gimiks para hindi ma-bore ang klase mo. Ginagawa ko naman iyan dati at mukhang naenjoy naman ng mga istyudents ko. Pero nung linisan ko ang masalimuot na mundo ng showbiz, este, akademya, parang nahigop na rin ata ang creative juices ko. Kaya ngayong magtuturo na uli ako, kelangang pigain ko muli ang sarili ko upang makagawa ako ng mga bagay-bagay na maaaring makatulong sa paghatid ng karunungan sa mga mag-aaral na mabibiktima ko ngayon. BWAHAHAHA!!!
Kuwento # 3: FOOD TRIP
Kahapon naglagalag kami ni J mi amore after my work shift. Dapat sa Chef d'Angelo kami kakain kase favorite naming dalawa yun (especially the sampler, hehehe, shempre mura eh). Eh kaso wala pala sa Gateway kaya napilitan kaming kumain ng steak kahit wala ako sa mood kumain nun. Eh gutom na ko kaya pinatulan ko na. Gudnesgreyshus! Sumakit ang lalamunan namin sa alat ng pagkain! Sabi nga ni mi amore, para raw kameng humigop ng tubig-dagat ng Batangas dun sa soup na kasama niya. Wahhhh!! Nainggit tuloy ako dun sa katabi naming couple na solved na solved dun sa Teriyaki at Sushi nila! Waaahhh!!! Never again, Steak House! (hayan na-mention ko tuloy yung name!) Sa sobrang asin na pumasok sa katawan namin, lumafang kami ng Blizzard at nilasap naman ang sobrang yummy-ng Banana Split at Chocolate Chips flavors. Hihirit pa sana ko ng chichirya pero pinigilan na ko ni J. Nakahalata na.
Kuwento # 4: SI IAN NA TAGA-CEBU
Gusto ko magpasalamat kay Ian na nagpadala ng picture ng isang butterfly na ginawa niya just for me. (Awwww...ang sweet...)Kaya lang di ko ma-post at nagkakaproblema pag nirereduce ko ang size. Si Ian ay matagal ko ng online friend (sa chat ata kami nag-meet). He's a graphic and visual artist na kilala ata sa Cebu. He's married to an artist rin and has two kids. Involved rin siya sa Airsoft Gaming (whatever..di ko alam ang exact term) at ineencourage akong bumaril. Ayoko nga! Mahuli pa ko! Hinde, airsoft gun lang naman, di naman .45 o machine gun, sabi nya. Magko-cross stitch na lang ako.
Well, eto lang muna ang chika ko...puyat na puyat na ko at kelangan ko pang mag-beauty rest.
7 comments:
Aliw ang post na ito. Tawa ako ng tawa dun sa gurlash at lola madonna hehehe :) pati yung pag censor ng poot-poot ng baboy! panalo! :) keep on blogging... ako ay babalik :)
perlas! haha, panay ang lakwatsa mo, halata sa mga kwento me, hehe. see you tomorrow at starting monday, chichur! :D
nice posts you have...link ex?
Hi guys! *sabay kaway* !!! Sowee nagbago na uli ang career ng lola nyo kaya ngayon uli post :-)
sayote queen ---> achuali sabi sa ken nung lola ko nung maliit pa ko pinakain raw ako nung *poot poot* ng baboy. ngek. kaya pala.
mei gorjus ---> korak sis! sinamantala ko na at baka mabawasan na when i go back to teaching..hehehe...see ya round!
diday ---> yeah. kase 5 am-2 pm shift ko pero now, regular chichur na po. bow!
talksmart --> sure bah :-) link me muna kaya? thanks!
Sa wakas, nag post uli ang paruparo. Nice to hear from you again, Pearl. :-)
Pearl!!! Musta na!!! Ngaun lang aku nakadalaw sa selda mu dahil sa net & PC kong mabagal... anyways, Apir sa mga trip mo!!! Masaya at nakaka-enjoy!!! Tama si Ate Mei, lakwatsera ka!!! Dami mu kasi trip eh!!!! Wahahaha!!! Apir & ingats Pearl!!! ;)
puset ---> heto ang sandamakmak na APIR para sa yo! hehehe....bisi-bista lang ha.
Post a Comment