Meron mga bagay-bagay o gawain na sadyang kinamumuhian mong gawin pero kailangan. Eto share ko ang ilan:
1. Magbukas ng mga bag of chips, shampoo at ketchup sa sachet. Hate ko tong gawin lalo na pag may TEAR HERE tapos wala namang cut para yun ang guide mo sa pagbubukas. Kailangan pang gamitan ng 'teeth power' para mabuksan! Grrrr!!!
2. Maghintay ng masasakyan. Kahit saan. Sa bus stop o sa terminal man, sobrang nakakaiiinniiissss mag-abang! Natext mo na lahat ng tao sa phonebook mo, nangulangot ka na, suminga, nagkamot ng pawis na kili-kili (pasintabi po sa mga kumakain), pero wala pa ring bus o jeep!
3. Umakyat ng hagdan dahil sira ang escalator o elevator. Oo na. Tamad na ko. Eh kase ang escalator ay para naman talaga sa mga taong tamad mag-burn ng calories. Eh sa ayoko ng ganong pagbabawas ng taba eh! Bakit ba! kaya inis ako kapag OUT OF ORDER ang escalator.
4. Magpaliwanag sa mga taong di makaintindi o sadyang shonga (read: TANGA, DUMB) lang. Yung tipong lahat na ng klaseng paliwanag, kulang na lang magsalita ka ng lahat ng lenggwahe para maintindihan ka. Na-paraphrase mo na ang gusto mong sabihin, ilang version na ang ginawa mong pag-esplika, pero ala pa din. Duh.
5. Magsalansan ng sinampay at magtupi ng mga ito. Dahil ako ay nabibilang sa mga taong ayaw sa routine, at ito ay isa sa mga routine kong maituturing, HATE KO TO. Pagkumpunihin mo na lang ako ng mga sirang bagay (pwede bang 'broken heart'?? Yiii...) wag lang 'to.
Hayan. Simple lang sila pero talagang ayaw ko sa mga ganitong gawain. Ayoko.
2 comments:
taenang shampoo iyan. ilang beses ko nang naranasan iyan sa backpacking ko. akala ko cool, pero potah walang glamor.
ang pait ng shampoo. pramis.
atticus---> korak ms. A. Nalashan ko na ata ang iba't ibang uri ng shampoo. Wahaha.
Post a Comment