Nakakatuwa...
Habang ako ay nakasakay sa maliit na dyipni pauwing Cogeo, may sumakay na matandang babae. Nagpumilit siyang sumiksik sa loob, bagama't puno na; siguro nagmamadali siya. Kaya lang talagang wala nang lugar kaya umupo na lang siya sa gitna, kahit walang upuan. Napansin nung isang lalaking nakaupo sa kanyang kaliwa na nahihirapan na si Inang kaya ibinigay na niya yung kanyang puwesto sa kaawa-awang matanda. Maya-maya, may nagbayad ng limandaang piso sa drayber. Nagalit yung drayber. Walang barya yung ale. Yung matandang nabigyan ng upuan pala ay may barya kaya't pinalitan niya yung limandaan. Pagkatapos, yung nabigyan ng barya, napansin na yung mamang nakasabit na may dala-dalang mabigat na bag ay nag-alok na kargahin yung kanyang mabigat na dalahin.
Aba...biglang kinurot ang puso ko...may pag-asa pa pala ang Pilipino. Malaki. Napakalaki.
5 comments:
TAMA!!! At ang ganda ng movie na "Pay It Forward" ni Kevin Spacey & ung 'The 6th Sense' kid... Nung napanood ko yun, parang networking ang scheme... (remember uso pa noon ang multi-level & networking marketing schemes) tapos parang ina-adapt yun sa ating pang-araw-araw na buhay... asteg!!! Yun nga lang sad ang ending... Pero kung lahat nga gagawin ang ganyan... uunlad din tayo kahit papano... kasi, crab mentality pa rin ang iba eh... self interest lang... Apir Pearl!!! Perst onor po aku ma'am!!! Wehehehe!!!
ang galeng! nasa atin pa rin talaga ang kabutihang loob. kelangan lang may magpasimula para mahikayat ang iba na gawin din yon :)
He hee
Honga, warm naman nitong domino effect na nangyari dun sa jeep.
Yeah... Nothing like an act of kindness to brighten you up.
:)
puset >>> congrats at pers onor ka kafatid! hehehe! sana nga magpatuloy ang 'cycle of good deeds'. AFIR!
diday >>> honga. saka msarap palang mag-observe ng mga bagay-bagya sa paligid mo. there are lessons learned :-)
mei >>> yeah, sis. i believe innate sa atin ang pagiging mabuti. sana magpatuloy angmga ganitong gawain.
momel >>> yeah, it is really heartwarming to see strangers doing good deeds to one another. sana laging ganun.
Chichur PEARL!!! Sama ka sa EB (Eat Bulaga) namin nila ate mei kung matutuloy ha!!! Sana yung free ang mga skeds natin lahat!!! Apir & ingats!!! ;)
Post a Comment